Hindi na ikinagulat ng mga ekonomista at financial analyst ang pagbulusok pa ng ekonomiya ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa katunayan, ipinabatid sa DWIZ ni Astro Del Castillo, isang financial analyst, na pasok sa projection nila ang -16.5 % na gross domestic product ng bansa.
Sinabi ni Del Castillo na tiwala silang gaganda ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa sa third quarter dahil may mga negosyo nang nagbukas muli.
We’re expecting pa na third quarter to bounce back, but given that nag-MECQ ulit tayo, magrerevise na naman kami ng numbers. Pero ang tingin namin, for now, as long as hindi maprolong ‘yung situation, baka it could be lower than the the 16.5%. Ibig sabihin, mas mabuti. May mga indikasyon na kasi sa ibang sector na nag-bounce back as of June, July,” ani Del Castillo. —sa panayam ng Ratsada Balita