Ibinabala ngayon ng dating presidente ng Philippine Stock Exchange o PSE na hindi malayong mabansagang “4th world country” ang Pilipinas.
Ayon kay dating PSE President Francis Lim, hindi malayong bumagsak sa pinakamababang antas ang Pilipinas dahil sa mababa at kakaunti lamang na kumpanyang nakalista sa PSE kumpara sa ibang mga bansa sa Asya.
Paliwanag ni Lim, aabot lamang sa 269 companies ang nakalista sa PSE kumpara sa Malaysia na nasa 900 at sa Singapore na nasa mahigit 700.
Bukod dito, mas kakaunti rin aniya ang sa Pilipinas kung ikukumpara sa Vietnam gaya sa Hanoi na mayroong 379 at sa Ho Chi Minh City na nasa 340.
Binigyang diin ni Lim na dahilan ito marahil ng kawalan ng suporta mula sa pamahalaan at ang mataas na ipinapataw na buwis sa mga bumibili ng stocks.
—-