Isinisi ng House Minority sa pagiging taklesa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbulusok ng Philippine Stock Market.
Sinabi ni Albay Representative Edcel Lagman na apektado ang ekonomiya ng bansa dahil sa reckless utterances ng Pangulo sa mga western leader.
Ayon naman kay Caloocan Representative Edgar Erice, may negatibong epekto sa tiwala ng mga foreign investor sa ekonomiya ng bansa ang pagkakaiba ng mga pahayag ng communications group ng Pangulo.
Aniya, kung hindi babagsak ang foreign investment sa Pilipinas, hihinto umano ang interes ng mga foreign investor na taliwas umano sa pagkabilib ng mga ito noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Samantala, ayon kay Akbayan Representative Tom Villarin, isa rin sa mga indikasyon sa paghina ng Piso at stock market ang paghina rin ng foreign direct investments.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc