Tuluy tuloy ang pagbulusok ng halaga ng Piso kontra sa Dolyar sa ika limang araw.
Sumadsad pa sa 50. 25 ang halaga ng Piso kontra sa Dolyar mula sa 50.23 na closing rate sa pagbubukas ng trading week.
Nabatid na pumalo pa sa 50. 355 ang Piso sa mid day trading kahapon at ito ang itinuturing na pinakamahinang halaga ng Piso kontra sa Dolyar sa nakalipas na sampung taon.
Ayon sa market analysts ang pagbaba ng halaga ng Piso ay dulot na rin ng external factors kayat maituturing na safe haven currency ang Dolyar.
Sinabi naman ni Bangko Sentral Deputy Governor Diwa Gunigundo na nag a adjust ang Piso sa ilang uncertainties sa global financial markets.
By : Judith Larino