TINAWAG ni Sen. JV Ejercito na bullying ang pagbuntot ng isang barko ng China Coast Guard (CCG) sa dalawang Philippine Coast Guard (PCG) vessels na patungong Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Pahayag ng United States-based Security Monitoring Group, sinasabing hindi ito ang unang pagkakataon na binuntutan ng Chinese counterparts ang PCG vessels sa nabanggit na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Kung matatandaan, noong linggo ay nagtungo ang BRP Malapascua at BRP Malabrigo sa Ayungin Shoal kung saaan binuntutan ito ng Chinese-flagged vessel na dati nang nasa lugar.
Ayon sa ulat, pumuwesto umano ang dalawang barko ng PCG sa east side ng Ayungin habang pumosisyon naman ang CCG vessel para harangan ang anumang pagtatangka na makapasok sa shoal.
Napag-alaman na linggo ng hapon nang tumigil ang Malapascua at Malabrigo sa labas ng shoal, mga isang kilometro mula sa Sierra Madre na nasa loob din ng bahura.
previous post