Aprubado na ng Bangsamoro Transition Parliament sa ikatlo at huling pagbasa ang tatlong batas para sa Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao (BARMM).
Una rito ang BTA Act No. 3 o pagbuo ng Bangsamoro Human Rights Commission na alinsunod sa isinasaad ng Section 7, Article 9 ng Republic Act 11054 o Bangsamoro Organic Law.
Inaprubahan din ng Bangsamoro Transition Parliament ang BTA Act No. 5 o ang batas na naglalayong bumuo ng Bangsamoro Attorney General’s Office.
Isinasaad rin sa batas ang pangunahing tungkulin, kapangyarihan, at ilalaang pondo para sa itatatag na tanggapan.
Gayundin ang BTA No. 6 o batas para sa pagtatatag ng Bangsamoro Socio-economic Development Planning System.