Inihirit ni Board of Psychology Dr. Miriam Cue sa house committee on civil service and professional regulation na ikunsidera ang pagbuo ng batas para mabigyan ng provisional license ang mga kukuha pa lamang ng licensure exam para sa kanilang propesyon.
Ayon kay Cue, malaki ang maitutulong ng mga under board physicians ngayong may kakulangan sa deputized doctors sa mga government hospitals na tutugon sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ani Cue, ginawa na ito ng Philippine Regulatory Commission (PRC), ang modelo ng Australia, kung saan bibigyan ng provisional license ang mga under board physicians para ma-deputized sa gitna ng global health crisis hanggang sa makakuha ng licensure exam.
Mahalaga umano na magkaroon ngayon ng malakas na pwersa ang sektor ng kalusugan ngayong mayroong pandemyang kinakaharap.