Isinusulong ngayon sa Senado ang pagbuo ng B.R.D.A o Benham Rise Development Authority.
Batay sa Senate Bill 312 ang B.R.D.A ang mangunguna sa mga gagawing pagsasaliksik o pag-aaral ng anumang may kinalaman sa Benham Rise na kilala rin sa tawag na Philippine Rise.
Ayon kay Senador Sonny Angara may akda ng nasabing panukala, mas masisiguro at mapo-protektahan ang karapatan ng Pilipinas sa naturang teritoryo.
Bukod dito mas makakatiyak din na mga Pilipino ang makikinabang sa Benham Rise kung may umiiral na B.R.D.A.
Sa ilalim ng nasabing panukala, bubuuin ang B.R.D.A ng NEDA Director General bilang Chairman, ang B.R.D.A Administrator naman ay itatalaga ng Pangulo bilang Vice Chairman at magsisilbing miyembro ang mga kalihim ng DENR, DOE, DA, DOST, DOF, DOT at tatlong representante mula sa pribadong sektor at NGO’S.
Posted by: Robert Eugenio