Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng Cabinet Cluster for Education na tutugon sa learning crisis sa Pilipinas.
Naisapinal ang desisyong ito kasunod ng mungkahi ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na lumikha ng Cabinet cluster upang masolusyunan ang 5.5-year learning gap ng mga estudyanteng Pilipino.
Alinsunod sa naturang panukala, inatasan ni Pangulong Marcos ang mga kaukulang ahensya na lumikha ng isang malinaw at sistematikong pambansang plano para sa edukasyon at lakas-paggawa, mula early childhood hanggang sa technical-vocational education.
Samantala, nagpasalamat naman si Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara sa mabilis na aksyon ni Pangulong Marcos kaugnay sa pagtugon sa mga problemang kinahaharap ng bansa pagdating sa edukasyon.