Hinikayat ng ilang kongresista ang pamahalaan na bumuo ng isang central information system na mapagkukunan ng lehitimong impormasyon ukol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Assistant Majority Leader at ACT-CIS party-list Representative Niña Taduran, ang bubuuing central information system na nasa Wikang Filipino ang magsisilbing gabay sa lahat ng may kaugnayan sa COVID-19.
Sa pamamagitan umano nito ay maiiwasan ang misinformation at miscommunication dahil sa iisang pagkukunan ng balita, mga advisory at consultation.
Maaari rin aniya itong magamit para maging transparent ang mga local government units kaugnay sa kung magkano na ang inilalabas ng bawat lokal na pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan.