Minaliit ni dating Philippine Ambassador to the United States Jose Cuisia Jr. ang kasunduan ng ASEAN member countries na bumuo ng Code of Conduct sa South China at West Philippine Sea.
Ayon kay Cuisia, taong 2012 pa isinusulong ang Code of Conduct ngunit patuloy itong hinaharang ng China sa dahilang hindi pa nito natatapos ang mga itinatayo nilang istruktura sa mga pinagatatalunang teritoryo.
Sinayang din aniya ng Pilipinas ang pagkakataon nito na makakuha ng suporta mula sa iba pang mga claimant countries hinggil sa napanalunang arbitral case ng Pilipinas laban sa China.
Samantala, kumpiyansa naman ang AFP o Armed Forces of the Philippines na magiging malaking tulong ang pagbuo ng Code of Conduct sa pagitan mga bansang umaangkin ng teritoryo sa nasabing karagatan.
Ayon kay AFP Spokesman Maj/Gen. Restituto Padilla, nais nilang mapalawak pa ang pagtutulungan ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa pagbabantay ng karatagan sa rehiyon.