Magpapanday ng mga batas ang Kongreso na magpapatibay sa laban ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Quezon City Congressman Sonny Belmonte, ang pagbuo ng Committee on West Philippine Sea ang hiniling niya kay House Speaker Pantaleon Alvarez nang alukin siya nito ng committee chairmanship.
Sinabi ni Belmonte na kailangan ng lehislasyon para mas maging matibay ang laban at claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa oras anyang mabuo ang komite, tutulong sila sa magiging trabaho ni dating Pangulong Fidel Ramos na naatasang makipag-ugnayan sa China ukol sa isyu ng agawan sa West Phlippine Sea.
Si Belmonte ay naging bahagi ng Philippine delegation sa The Hague kung saan nanalo ang Pilipinas sa kasong isinampa nito laban sa China.
By Len Aguirre