Nakahanda na ang Senate Committee on Women, Children, Family relations and Gender Equality na mag-draft ng committee report hinggil sa divorce o ‘dissolution marriage’.
Ito ay matapos naman ng isinagawang kauna-unahang pagdinig sa panukalang divorce o ‘dissolution of marriage’ sa bansa.
Ayon kay Senator Risa Hontiveros, Chairman ng Komite, sapat na ang kanilang mga nakuhang impormasyon mula sa mga inimbitahang resource persons.
Dagdag ni Hontiveros, mas gagamitin nila ang ‘dissolution of marriage’ dahil mas katanggap tanggap aniya ito sa mga senador kumpara sa divorce.
Samantala tiniyak naman ni Hontiveros na kanilang tutugunan ang mga hinihayag na pangamba ng ilang religous group.