Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay na bumuo ng community contact tracing teams.
Ito’y dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga komunidad dahil sa pagkakalantad sa coronavirus transmission.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, mahalagang magkaroon ng contact tracers na magmumula mismo sa sariling lugar dahil sa pagiging pamilyar na ng mga ito sa mga residente sa barangay.
Magiging madali aniya para sa mga ito ang pag momonitor sa mga infected na residente.
Sinabi ng kalihim na sasailalim ang lahat ng contact tracers sa pagsasanay ng Local Government Academy at Philippine Public Safety College.