Minamadali na ng Singapore ang pagpapaggawa ng mga bed space para sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients matapos mabilis na tumaas ang kaso sa bansa.
Kabilang sa mga lugar na ginawang quarantine facility ng mga COVID-19 patient ay Changi Exhibition Centre kung saan matutunghayan ang Singapore Airshow, Asia’s biggest aerospace gathering.
Kaya umano nitong i-accommodate ang nasa 4,000 pasyenteng nagpapagaling mula sa sakit.
Sa ngayon ay nasa mahigit 12,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.