Muling iginiit ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang kahalagahan ng pagkakaruon ng isang ahensya para sa disaster resilience kasunod ng pinsalang idinulot ni Bagyong Quinta.
Ani Go, mahalaga kasi na may isang departamento ang nakatuon lang sa paghahanda at pagresponde sa tuwing may kalamidad, gaya ng pananalasa ng bagyo, lindol at iba pa.
Pagdidiin ni Go, sa ganitong paraan, ay agad na makakaahon sa dagok ng sakuna ang ating mga kababayan dahil agaran nilang matatanggap ang tulong mula sa pamahalaan.
Magugunitang naghain si Senador Go ng panukala para bumuo ng Department of Disaster Resilience (DDR) na layong pag-isahin ang ndrrmc at Office of Civil Defense para mas maging epektibo at maganda ang paghahanda at pagresponde sa mga sakuna.
Sa ngayon ay nananatiling nakabinbin sa National Defense Committee ng Senado na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson.