Isinusulong ngayon sa kamara ang panukalang naglalayong bumuo ng Department of Water Resources.
Sa ilalim ng House Bill No. 2154, pagiisahin na sa isang departamento ang iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa tubig.
Ang bubuuing departamento ang siyang tutugon sa mga problema at titiyak na mayroong malinis, ligtas at sapat na suplay na tubig ang mga Pilipino.
Ayon kay Iloilo Rep. Lorenz Defensor, naghain ng panukala, panahon na para magkaroon ng Department of Water Resources dahil sa mga nararanasang krisis sa tubig sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Magugunitang noong nakaraang kongreso ay kabilang mismo si dating speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa mga naghain ng kahalintulad na bill pero bigong pumasa sa kamara.