Hindi na itutuloy ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng fact-finding commission na tututok sa imbestigasyon sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF).
Sinabi ng Pangulong Duterte na hahayaan na lang niya ang Ombudsman na imbestigahan ang kaso.
Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang magkaroon ng maraming imbestigasyon na magkakaiba naman ang resulta.
Binigyang diin ng Pangulo na ang gusto lang niya malaman ay kung bakit hindi gumamit ng air assets ang pamahalaan sa operasyon.
READ: Text ni Kris Aquino kay Pangulong Duterte: Huwag mo namang ipakulong ang kapatid ko
By Katrina Valle