Panahon na para bumuo ang pamahalaan ng iisang lupon sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang tututok sa kapakanan ng mga OFW o Overseas Filipino Workers.
Ito’y ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ay upang hindi na maulit pa ang sinapit ng 28 anyos na si Joanna Daniella Demafelis na natagpuang patay sa isang freezer sa Kuwait.
Ayon kay Cayetano, layon aniya nitong maiwasan ang pagkalito ng mga OFW kung saang ahensya sila ng pamahalaan magpapasaklolo sakaling makaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang mga amo.
Aminado ang kalihim na nagkaroon ng pagtuturuan sa panig ng POEA o Philippine Overseas Employment Administration at OWWA o Overseas Workers Welfare Administration sa kung sino sa kanila ang aaksiyon sa kaso ni Joanna.
Posted by: Robert Eugenio