Nagkasundo ang 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN at China na simulan ang negosasyon para sa pagbuo ng isang code of conduct sa South China Sea.
Ito, ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, ang pinakamalaking milestone ng ASEAN at China, biggest sa nakalipas na 15 taon.
Ini-anunsyo ang pagsisimula ng negosasyon tatlong buwan matapos magkasundo ang ASEAN at China na bumalangkas ng outline para sa COC.
Bukod sa Tsina, claimant din ng mga isla sa South China Sea ang mayorya ng ASEAN member sa pangunguna ng Pilipinas, Malaysia, Vietnam at Brunei.
—-