Iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagbuo ng isang Ad Hoc Committee na kabibilangan ng actuarial experts mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para mapag-aralan ang estado ng pondo ng PhilHealth.
Ayon kay Drilon, mahalagang malaman ang kasalukuyang halaga ng pondo ng PhilHealth at kung hanggang kailan pa ito tatagal.
Dagdag pa ni Drilon, ang mga bubusisi sa pondo ng ahensya ay ang GSIS, SSS, at Insurance Commission.
Paliwanag ng senador, ito’y para makita ang katatagan ng ahensya at malaman din kung magkano ang subsidy na dapat ilaan dito ng pamahalaan.
Kasunod nito, mismong si Finance Secretary Carlos Dominguez ang nagsabing magulo ang datos ng PhilHealth kaya hindi malaman kung magkano talaga ang reserba nitong pondo.
Samantala, nakakuha naman ng suporta kina Senate President Vicente Sotto III at Senador Ralph Recto ang mungkahing ito ni Drilon.
Ayon pa kay Recto, dapat na isama sa bubuoing kumite ang national treasurer na nakakaalam kung magkano ang pondo ng PhilHealth.
Mababatid na sa panukalang pambansang budget para sa 2021, pinabibigyan ng Malakanyang ang PhilHealth ng higit P71 bilyon. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)