Pabor si Minority Senator Bam Aquino sa panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagbuo ng isang komisyon na tututok sa pangangailangan ng LGBT o lesbian, gay, bisexual and transgender.
Ayon kay Aquino, maaari aniyang hindi na dumaan pa sa legislation ang pagbuo ng nasabing komite dahil maaari naman itong mabuo sa pamamagitan lamang ng isang E.O. o Executive Order.
Iginiit ng Senador, napapanahon na para tingnan at aksyunan ng pamahalaan ang mga reklamo maging ang mga nararanasang diskriminasyon ng LGBT Community dahil sa sila’y mamamayan din ng Pilipinas.
Magugunitang inihayag mismo ng Pangulo kamalawa ang plano nitong pagbuo sa isang LGBT Commission kasunod ng pag-amiyenda sa umiiral na saligang batas para palakasin at pagtibayin ang proteksyon ng mga LGBT sa lipunan.