Inihayag ng pamahalaan na target nitong magkaroon ng mental care at social healing program sa mga nakarekober sa COVID-19.
Ito’y ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., makaraan aniya na marami ang tumatawag sa kanila na naglalabas ng iba’t-ibang kinakaharap na problema o pagkakaroon ng breakdown.
Dagdag pa ni Galvez, ang iba pa sa mga ito ay suicide cases.
Paliwanag ni Galvez, na marami sa mga kababayan nating gumagaling sa COVID-19 ang hindi alam kung papaanong makababalik sa normal ang kanilang pamumuhay.
Sa huli, binigyang diin ni Galvez na mahalaga ang pagkakaroon ng naturang programa para matiyak ang reconstruction at reconstitution.