Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng Metropolitan Davao Development Authority (MMDA).
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Martin Andanar, nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11708 o Metropolitan Davao Development Authority Act (MDDA).
Magiging tungkulin ng MDDA ang “development planning, transport management, waste disposal, flood control, urban renewal, zoning, land use sa 15 local government units sa rehiyon o “Metropolitan Davao”.
Saklaw ng bagong ahensya ang mga lungsod ng Panabo, Tagum, Island Garden City ng Samal sa Davao Del Norte; Davao at Digos sa Davao Del Sur;
Mati sa Davao Oriental; mga bayan ng Sta. Cruz, Hagonoy, Padada, Malalag at Sulop sa Davao Del Sur; Carmen sa Davao Del Norte; Maco sa Davao De Oro; Malita at Sta. Maria sa Davao Occidental.
Ang bubuuing MDDA Council ang mamamahala at lilikha naman ng polisiya para sa mga concerned LGU kabilang ang chairperson ng Regional Development Council, mga gobernador ng Davao Oriental, De Oro, Del Norte, Del Sur at Occidental at 15 alkalde ng lungsod at bayan.
Ang chief executives ng 15 LGU ay ikukunsidera bilang ex-officio members at ang magiging chairperson ay itatalaga ng pangulo mula sa selection ng nominees na isusumite ng konseho.