Isinusulong ni Senate Basic Education Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang pagbuo ng online library.
Ito’y upang mabigyan aniya ng access o digital copy ng learning materials ang mga mag-aaral sa elementarya at highschool.
Sa Senate Bill no. 477 o Philippine Online Library Act, na inihain ng senador inaatasan ang Department of Education (DepEd) katuwang ang National Library of The Philippines na gumawa ng digital na kopya ng lahat ng libro at reference books.
Kung saan aatasan din ang DepEd na magbigay ng computers, laptops, at iba pang naaangkop na device sa lahat ng pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa buong bansa upang matiyak ang access sa mga materyales.
Habang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay dapat tiyakin ang libre, maaasahan, at secure na internet access” sa mga paaralan