Ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatatag ng National Task Force para pigilan ang pagpasok ng animal borne diseases pati na ang pag-contain at pagkontrol nito.
Ito ang tugon ng gobyerno para maagapan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Batay sa executive order no. 105 na nilagdaan ng pangulo, pinabubuo ang task force ng mga polisiya at regulasyon upang matugunan ang animal borne diseases.
Pinababanglakas din ang task force ng national risk reduction program at comprehensive framework para matiyak na hindi kakalat ang anumang sakit na galing sa hayop.
Ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) ang magsisilbing chairman ng task force at vice chairman naman ang kalihim ng Department of Health (DOH).
Kasama sa task force ang executive secretary at mga kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Transportation (DOTr) at Department of National Defense (DND).
Pinagagawa rin ang task force ng zoning plans at pagpapaigting sa public awareness campaign
Pinaghahanap naman ang DBM nang mapagkukunan ng pondo para sa task force. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)