Lusot na sa House Special Committee on Senior Citizens ang panukalang naglalayong magtayo ng elderly care o nursing homes sa mga lungsod at probinsya.
Iginiit ni Ilocos Sur 1st Distict Representative Deogracias Savellano, may-akda ng House Bill 9229, na dapat ipagkaloob sa matatanda ang kinakailangang social security.
Sa ilalim ng panukala ni Savellano, dapat magtalaga ng nursing homes kada lalawigan na tutugon sa pangangailangan ng mga abandonadong senior citizens at homeless elderlies.
Dapat pangasiwaan ang nursing homes ng local government units at panatilihin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ipinunto ng kongresista na malaking problema ang kinakaharap ng mga senior citizen lalo sa mga liblib na lugar, kung saan may ilang nagsosolo na lamang sa buhay o kung saan-saan na lang nakatira.