Naniniwala si Kabayan Partylist Representative Harry Roque, na maaring bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang komisyon na mag-iimbestiga sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Roque, posible ito dahil sa bisa ng ‘residual powers’ na nasa kamay ng Pangulo.
Maari aniyang mag-rekomenda ang komisyon sa House of Congress ng impeachment laban kay Ombudsman Conchita Carpio – Morales sa oras na may makalap na ebidensya.
Subalit paglilinaw ni Roque, walang kapangyarihan ang panel na ito upang mapaalis sa puwesto si Ombudsman Morales, na isang impeachable official.
Una nang, nagbanta si Pangulong Duterte na pai-imbestigahan ang Ombudsman dahil sa umano’y ‘partiality and corruption’ nito.
Ginawa ng Punong Ehekutibo ang banta matapos simulan ng Ombudsman ang imbestigasyon nito kaugnay sa umano’y bilyong pisong tagong-yaman ng first family.