Isang malaking hamon sa pamunuan ng Commission on Elections (COMELEC) ang criteria na dapat sa mga COVID-19 free area isagawa ang satellite voters registration.
Sa isang pahayag, sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na ito’y sa kabila ng partnership ng ahensya sa mga mall developers ay dapat pa ring walang kaso ng COVID-19.
Mababatid na sa pagtataya ng COMELEC, inaasahan nito ang 60 milyong mga botanteng lalahok sa susunod na eleksyon sa 2022.
Ito’y dahil nahigitan na ng COMELEC ang target nitong apat na milyong botante sa nagpapatuloy na voter registration.