Iminungkahi ni Senate President Tito Sotto ang pagbuo ng ‘Presidential Drug Enforcement Authority’
Ayon kay Sotto, ang naturang ahensya ang haharap sa problema ng iligal na droga sa bansa.
Nakapaloob aniya rito ang mga sangay para sa anti-drug enforcement, prosecution, prevention, rehabilitation at policy formulation.
Kapag naging batas, bubuwagin na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Dangerous Drugs Board (DDB).
Magiging sakop na rin umano ng nasabing ahensya ang mga tungkuling ginagampanan ng PDEA at DBB.
Mariin namang tinutulan ng mga opisyal ng dalawang ahensya ang naturang panukala dahil sa pangambang mawawalan sila ng trabaho.