Hinimok ni Senador Panfilo Lacson ang majority leaders ng Senado at Kamara na bumuo na ng Rules o patakaran na magiging gabay sa nakatakdang joint session bukas na tatalakay naman sa hirit na martial law extension.
Ayon kay Lacson, tiyak na magiging magulo sa simula pa lamang ng joint session dahil wala pang naisasapinal na rules para rito.
Giit pa ng Senador na batay sa kanyang mga natutunan para maiwasan ang aberya ay una, dapat may rules, pangalawa at malinaw ito at naiintidihan at pangatlo, dapat ay nasusunod ang inilagay na mga pataran.
Gayundin, inaasahan na rin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magiging mainit at mahaba ang balitaktakan sa mga gagawing rules at procedural issues sa joint session bukas.
By: Krista de Dios
Pagbuo ng rules sa gagawing joint session hinimok ni Sen. Lacson was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882