Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng Task Force El Niño upang mapagaan ang epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon sa Pangulo, pamumunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ilalim ng Office of the President ang naturang task force.
Aniya, dapat gawing prayoridad ang pagkakaroon ng short-term at long-term interventions.
Inaasahang magtatagal ang El Niño hanggang sa pagtatapos ng second quarter ng susunod na taon.
Ayon sa ulat ng Department of Science and Technology (DOST), 65 na probinsya sa buong bansa ang posibleng makaranas ng drought o mahabang panahon ng mahinang pag-ulan, habang anim naman ang maaaring makaranas ng dry spell.