Naniniwala si Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na hindi na kailangan pang lumikha ng Task Force kontra Monkeypox.
Ayon kay Solante, sapat na kasi ang mga polisiya at guidelines na nakalatag o ilalatag pa ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan laban sa Monkeypox virus.
Dagdag layer na lamang ani Solante ang mga dapat gawin dahil mayroon nang karanasan ang bansa upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na ito lalo na’t dumaan na tayo sa paglaban sa COVID-19.
Aniya, proper coordination na lamang ang kinakailangan sa pangunguna ng Department of Health katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.
Ipinabatid pa ni Solante na kabilang dito ang Bureau of Quarantine at ang malaking role na gagampanan ng mga lokal na pamahalaan. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)