Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na sa pamamagitan ng bubuuin nitong task force, mas mapapabilis ang rehabilitation effort na isinasagawa ng pamahalaan sa mga lugar na hinagupit ng mga nagdaang kalamidad.
Ayon kay Pang. Duterte, magsisilbing kasapi ng task force ang halos lahat government agencies na layong agad na maiparating sa mga naapektuhan ng bagyo ang tulong ng gobyerno.
Sinabi ng Punong Ehekutibo, na tuloy-tuloy ang mga ginagawang patakaran ng pamahalaan upang masiguro na matutugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga sinalanta ng bagyo.
Binigyan naman ng timeline ng chief executive ang mga ahensya ng gobyerno para maisagawa ng mga ito kanilang mga trabaho nang walang pagkaantala o anumang anomalya.