Suportado ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang panukala ni Vice President Leni Robredo na bumuo ng technical working group para i review ang kampanya kontra iligal na droga.
Kasunod na rin ito nang isinagawang pulong ni Robredo at ilang opisyal ng DILG sa pangunguna ni DILG Secretary Eduardo Año.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya, kailangang i ayon ang lahat ng magiging pagbabago sa mga ipinatutupad na batas at polisiya na isusumite sa Kongreso.
Naging mahaba at maayos naman aniya ang naturang pulong kung saan tiniyak ni Robredo ang suporta sa community based drug rehabilitation program.
Sinabi pa ni Malaya na pinapa halagahan din ng DILG ang initiative ni Robredo para maisangkot ang iba pang sektor tulad ng simbahang katolika at iba pa para sumuporta sa war on drugs campaign.
Tiniyak din ng DILG kay Robredo ang kooperasyon ng ahensya at mga kaakibat nito para mapagtagumpayan ang tungkulin bilang co-chair ng Inter agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).