Isinusulong ng Department of Science and Technology (DOST) ang paglikha ng Virology Institute sa bansa sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Pangunahing layunin anya nito na pag-aralan ang mga viral agents partikular kung paano ito nakakahawa, ang kanilang viral ecology, clinical virology, at kung paano tumutugon ang katawan ng tao sa viral pathogens.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, sa pamamagitan ng strategic partnership sa mga siyentipiko at virology centers sa ibat-ibang panig ng bansa, kakayanin rin ng Pilipinas na magkaruon ng advance na kaalaman sa mga virus na makakatulong sakaling maulit ang problemang dala ng COVID-19.