Muling bubuhayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inilabas na Executive Order o EO Number 62 ni dating Pangulong Corazon Aquino na nagtatatag sa National Ecumenical Council.
Inihayag iyan ng Palasyo sa harap na rin ng iringan sa pagitan ng Pangulo at ng mga obispo ng Simbahang Katolika makaraang tawaging istupido ng Punong Ehekutibo ang Diyos.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang EO 62 aniya ang gagamitin nilang mekanismo para ituloy ang pakikipag-ugnayan ng estado sa Simbahan, at ito aniya’y naging epektibo naman sa nakalipas na apat o limang Pangulo.
Magugunitang binuo ang NEC para kilalanin ang papel na ginampanan ng Simbahan nang patalsikin si dating Pangulong Ferdinand Marcos matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution.
—-