Inihirit ni Dating Senador Kit Tatad sa Commission on Elections ang agarang pagpapatupad ng desisyon ng kanilang 1st Division na kanselahin ang Certificate of Candidacy ni Senator Grace Poe sa 2016 presidential elections.
Hiniling din ni Tatad sa COMELEC na tuluyan ng burahin sa listahan ng mga kandidato sa 2016 elections si Poe dahil umano sa “material misrepresentation” nang ihayag sa kanyang COC na isa siyang natural-born Filipino citizen at naninirahan sa pilipinas sa nakalipas na 10 taon.
Sa 4 na pahinang petisyon ng dating senador, inihayag ni tatad na alinsunod sa COMELEC rules of procedure, ang desisyon na tulad ng inilabas ng COMELEC en banc noong december 23 ay magiging final at executory matapos ang 5 araw.
Kung wala anyang ilalabas na Temporary Restraining Order o kahalintulad na writs of restraint ang Supreme Court sa oras na dumulog sa kanila ang respondent, magiging final at executory ang desisyon ng en banc sa susunod na araw o bukas, December 29.
By: Drew Nacino