Tagumpay kung ituring ni Atty. Jude Sabio ang pasya ng ICC o International Criminal Court na siyasatin ang mga paglabag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa karapatang pantao sa ilalim ng kaniyang kampaniya kontra iligal na droga.
Ayon kay Atty. Sabio, kumpiyansa siyang gugulong na ang isinampa nilang kasong crimes against humanity laban sa Pangulo batay na rin sa pakikipag-usap niya kina Senador Antonio Trillanes at Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano.
Umaasa si Sabio na ipa-a-aresto ng ICC si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagpapalabas ng warrant of arrest laban dito maging sa lahat ng kaniyang mga kasapakat na patuloy na yumuyurak sa dignidad ng bawat Pilipino.
Nakatutuwa aniyang malaman na bubusisiin na ng ICC ang mga pagpatay ng tinaguriang DDS o Davao Death Squad na nagsimula nuong alkalde pa ng lungsod si Pangulong Duterte hanggang sa umakyat na ito sa pambansang lebel sa ilalim ng war on drugs.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio