Posible nang makita sa susunod na apat na buwan ang pagbabago sa pamamahala sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sa ginanap na sesyon sa plenaryo ng senado para sa 2023 budget ng Department of Justice at mga ahensiyang nakasailalim dito, natanong ni Senator Raffy Tulfo kung kailan titigil ang korupsiyon sa BuCor.
Sinabi ito ni Tulfo kasunod ng kontrobersiya kung saan nanggaling umano sa New Bilibid Prison ang utos na patayin ang brodkaster na si Percy Lapid.
Sagot dito ni Senator Sonny Angara, maaari ang plano sa loob ng dalawa hanggang apat na buwan kung magkakaroon ng sistematikong pagbabago.
Si General Gregorio Pio Punzalan Catapang Junior ang itinalagang Officer-In-Charge sa BuCor habang wala pang kapalit si General Gerald Bantag.