Posibleng unti–unti nang bumuti ang lagay ng panahon sa Western Luzon at Western Visayas sa mga susunod na araw.
Ayon kay Jori Loiz, weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay kapag tuluyan nang nakapunta sa Vietnam ang tropical depression na nabuo sa West Philippine Sea.
Umaasa din si Loiz na bagamat walang bagyo, ay magdudulot ng pag–ulan ang amihan, upang magkaroon ng tubig sa mga dam.
“Sa ngayon ay medyo nagkukulang tayo sa bagyo dahil sa El Niño. Pero manalangin na lang po tayo na kapag nawala na ang habagat, sa Eastern Luzon naman ay magpa ulan ang amihan para sa ating mga kababayang magsasaka,” paliwanag ni Loiz.
By: Katrina Valle