Muling isinusulong ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang pag-alis o pagbuwag sa umiiral na bank secrecy law.
Ito’y kasunod ng naging pagbubunyag ni Senador Antonio Trillanes hinggil sa mga umano’y tagong yaman ni presidential frontrunner at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Jacinto Henares, layon nitong padaliin ang imbestigasyon sa mga opisyal ng gobyerno na may kaduda-dudang yaman.
Kahapon, bigong mabuksan sa harap ni Trillanes at ng kampo ni Duterte ang bank account ng alkalde sa BPI Julia Vargas branch sa Pasig City dahil umiiral na batas para protektahan ang kanilang mga depositor.
By Jaymark Dagala