Pabor si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa panukala ng isang kongresista na buwagin na ang Bureau of Corrections (BuCor).
Dahil dito, ipinabatid ni Aguirre na pinag-aaralan na nilang ipadala sa malalayong bilangguan ang mga empleyado ng BuCor at New Bilibid Prison (NBP).
Ang hakbang ayon kay Aguirre ay para mapilitan na lamang ang mga naturang empleyado na magbitiw sa tungkulin at mawala na rin ang problema hinggil sa isyu ng security of tenure.
Una nang isinulong ni Ako Bicol Representative Rodel Batocabe ang pagbuwag sa BuCor matapos mabunyag ang malaganap na illegal drug trade rito.
Uubra naman aniyang palitan ng bagong ahensya na mayroong mga bagong tauhan.
By Judith Larino