Ipinagutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na buwagin ang lahat ng kanilang Drug Enforcement Unit o DEU mula sa regional offices hanggang sa mga istasyon ng pulisya.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aalis sa mandato ng PNP sa mga operasyon kaugnay ng ‘war on drugs’.
Batay sa inilabas na kautusan ni PNP Directorate for Operations Police/Director Camilo Cascolan, maaaring gawing detectives o intel operatives ang mga nakatalagang pulis sa tinanggal na DEU.
Hindi naman bubuwagin ang headquarters ng DEU sa Kampo Krame ngunit magiging limitado na lamang ang tungkulin nito.
Kung saan sesentro na lamang sila sa pangangalap ng mga impormasyong ibibigay sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, hindi tulad dati na nagpaplano at umaatake sa mga target drug suspect.
Kinumpirma rin ni Dela Rosa na kanya nang ipinatitigil ang Oplan Tokhang.