Hindi malulumpo ang kampanya ng PNP kontra krimen sa pagbuwag sa mga checkpoint.
Binigyang diin ito ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa matapos kumpirmahin ang pagpapadala sa regional directors ng guidelines hinggil sa pagpapatigil sa checkpoints base na rin sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dela Rosa malaking hadlang sa mga tiwali o nangongotong na otoridad ang pagbuwag sa checkpoints.
Sinabi pa ni Dela Rosa na hindi na rin nakakatulong ang fixed checkpoints dahil iniiwasan na ito ng mga kriminal.
Uubra naman aniya silang magtayo ng checkpoints anumang oras kung kinakailangan.
By: Judith Larino / Jonathan Andal