Tanging ang pag-amyenda sa Konstitusyon ang makabubuwag sa Office of the Ombudsman.
Ito ang binigyang diin ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales matapos igiit ng kasalukuyang Ombudsman na si Samuel Martires na buwagin na lamang ang kanyang tanggapan dahil sa wala na itong sapat na bilang ng mga personnel.
Magugunitang sa budget hearing sa Kongreso, sinabi ni Martires na kung hindi maaaprubahan ang kanilang panukalang pondo para sa susunod na taon ay kukulangin na umano sila sa tao.
Ngunit paliwanag ni Morales, noong nanungkulan siya sa anti-graft office ay hindi naman sila kinulang sa personnel at sapat naman ang bilang ng mga tauhan nila lalo na sa mga rehiyon.