Isinusulong ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang pagbuwag sa Philippine International Trading Corporation (PITC) na nasa ilalim ng DTI.
Sa kanyang inihaing panukala, sinabi ni Rodriguez na samu’t saring mga kontrobersya ang kinahaharap ng PITC kabilang ang paglilipat dito ng P11-B mula 2014 hanggang 2020 ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Binigyang-diin ni Rodriguez na ang mga nasabing fund transfer ay nagpataas pa sa budget utilization rate ng government agencies dahil maituturing nang obligated at disbursed kapag inilipat ang pondo sa PITC.
Mayroon din aniyang mga report na ginagamit ng mga ahensya ng gobyerno ang interest mula sa kita sa bilyong piso na inilipat nila sa PITC para sa bonus at ibang bayarin sa mga benepisyo ng mga government employee.