Mahigpit na tinututukan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang problema sa Private Armed Groups (PAG’s).
Ayon kay DILG Secretary Mel Senen Sarmiento, nagsimula na ang pakikipag-ugnayan nila sa Philippine National Police (PNP) gayundin sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para buwagin ang private armed groups na talamak kapag mag-eeleksyon na.
Kasabay nito, hinimok ni Sarmiento ang publiko na makipag-tulungan sa mga otoridad para i-monitor ang galaw ng mga naturang armadong grupo lalo na yung mga kaalyado ng mga pulitiko.
By Judith Larino