Inaprubahan na ng pamahalaan ng Italy ang kautusan na nagsasaad na pinapayagan na ang pagbiyahe palabas at pabalik ng kanilang bansa simula Hunyo 3.
Kasunod ito ng pagluwag na sa ipinatupad na mahigpit na lockdown sa Italy dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Magugunitang dalawang buwang naka-lockdown ang Italy kung saan limitado ang pagbiyahe at paggalaw ng mga tao matapos na matinding tamaan ng nabanggit na virus.
Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO) kahapon Mayo 15, mahigit 233,000 na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Italy.
Habang mahigit 33,000 na sa nabanggit na bilang ang nasawi.