Hinimok ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na iwasan nang bumiyahe sa ibang bansa kung hindi rin lang naman ito importante.
Ayon kay Vergeire, ngayong mayroong bagong variant ng COVID-19 sa bansa kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng nakahahawang sakit, higit na kailangang maging maingat at isaalang-alang ang kalusugan.
Kung hindi naman aniya maiiwasan ang pagbyahe, ipinaalala ni Vergeire ang pagsunod sa mga ipinatutupad na public health standards upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.